See the whole show, you will understand — Solenn

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni NITZ MIRALLES

 Nag-sorry si Solenn Heussaff sa mga na-offend sa pinost niyang photo niya na nasa gitna ng isang squatter’s area. Visual promo ito ni Solenn para sa kanyang painting exhibit, pero may mga na-offend nga at tinawag na “poverty porn” ang kanyang idea ng promo.

Tinawag ng netizens ang pansin ni Solenn ay may nag-comment ng “You’re a great artist but this photo was done in poor taste. Using poverty to promote your art is very insensitive. Rich people and their poverty porn.

Mapagkumbaba naman ang naging sagot ni Solenn.

“Sorry this is not my intention aty all. If this was shot in the middle of BGC then you would say I live in a bubble. I love my country and everything that makes it what it is. Maybe when you see the full exhibit you will understand what I’m trying to bring to light,” isinulat niya.

Sa mgabnag-insist na “poverty porn” ang promo ni Solenn sa kanyang upcoming painting exhibit, paliwanag niya, “This is not poverty porn. If you read my caption and get to see the whole show you will understand and not be so quick to judge.”Deleted na sa IG ni Solenn ang naging controversial na post niya at inulit ang pagso-sorry. “Thank you for letting this be an eye-opener for me as well. And to those that I have offended, I am sorry.