Ruru kay Bianca: My grumpy unicorn

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

ni Nitz Miralles

BIRTHDAY ni Bianca Umali noong March 2, 21 years old na siya at isa sa mga bumati sa kanya ay ang BF na si Ruru Madrid. Sabi ni Ruru, “For you, I will do anything to make sure your day is a good one. Happy birthday, My grumpy unicorn.”

Comment ng netizens, grumpy daw pala si Bianca at gusto sana nilang malaman kung ano ang nagpapa-grumpy sa Kapuso actress, pero wala pa ring sagot sa kanila si Bianca.

Anyway, masaya sina Bianca at Ruru sa kanilang relasyon at kahit may mga isyu gaya ng pagiging selosa raw ni Bianca, tahimik ang kanilang relasyon. Maganda na hindi sila pinagsasama ng GMA-7 sa mga project.

Si Bianca ay busy sa Legal Wives ilang isa sa leading lady ni Dennis Trillo. Si Ruru, bida sa isang episode ng I Can See You at sa drama-action series na Lolong.