‘Probinsyano’ ni Coco, mahaba pa ang kuwento

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

ni Nitz Miralles

Inaabangan namin ang ilalabas na statement ng ABS-CBN para linawin ang lumabas na balita na magtatapos na ang FPJ’S Ang Probisyano ni Coco Martin. Hindi pa pala magtatapos o tatapusin ng ABS-CBN ang action drama series ni Coco. May post si Ricky Lo tungkol dito.

“#Tuloy!!!… FLASH! Coco Martin’s long running Kapamilya action series ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ has been extended until July this year, just two months short of its 6th anniversary. Got this good news from somebody who is involved in the production.”

Kaya patuloy na mapapanood ang Ang Probinsyano hanggang July, nag-premiere ito noong September 2015 sa ABS-CBN at napapanood ngayon sa A2Z at ibang Kapamilya channels.