Gabby Concepcion, happy na kasundo ang mga katrabaho

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

ni Nora V. Calderon

KASUNDO lahat ni Gabby Concepcion sa cast ng romantic-comedy series na First Yaya, at lalo niyang kasundo ang first time niyang leading lady, si Sanya Lopez.

Bukod sa naging solid ang samahan ng buong cast ng serye, nakita ni Gabby kay Sanya na madali itong pakisamahan at hindi naging mahirap ang adjustment niya para sa role, na isa ngang Yaya ang actress.

“Mapagmahal siya sa kapwa, madali siyang barkadahin. At saka marami siya laging dalang pagkain sa set. Nakakatuwang walang member ng cast na hindi ko kasundo, walang negative sa set namin, okay lahat.”

Ang gusto naman ng cast kay Gabby, “mahilig siyang magluto, lagi niya kaming tatanungin, ano ang gusto naming kainin, tapos magluluto na siya. Masarap siyang magluto, mahilig siyang mag-imbento ng lulutuin.”

Ang iba pang bumubuo ng cast ay sina Cassy Legaspi, JD Domagoso, Maxine Medina, Thia Thomalia, Pancho Magno, Kakai Bautista, Gardo Versoza, Jon Lucas, Cai Cortez, Rechie del Carmen, Pilar Pilapil, Sandy Andolong, Glenda Garcia, Analyn Barro, Anjo Damiles, Thou Reyes.

Hindi na maiinip ang mga televiewers dahil mapapanood na simula sa March 15 ang First Yaya na may world premiere na sa GMA Telebabad, GMA-7.