Julia Barretto, ‘spotted’ sa private resort ni Gerald

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

ni Nitz Miralles

ISA ring malayong kuha sa isang babae na maaaninag na si Julia Barretto ang nag-viral na nasa Hayati Private Resort ni Gerald Anderson sa Botolan, Zambales. Sa litrato, may kausap na dalawang babae ang inaakalang si Julia at dahil malayo ang kumukuha ng litrato, hindi na nila napansin.

Hindi ito ang first time na nakita si Julia na nasa Hayati Private Resort ni Gerald, pero gaya sa unang litrato at itong pangalawang litrato, wala ring litrato sina Julia at Gerald na magkasama.

Naghihintay pa rin ang mga kinikilig na fans nina Gerald at Julia sa araw na ipaaalam at aaminin nila na yes, they are a couple. Hangga’t hindi nangyayari ‘yun, hanggang long shot photos at photos na hindi sila magkasama ang ating makikita sa social media.