John Estrada, halos maiyak sa usapang kasal ng anak

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni NORA V. CALDERON

NALUNGKOT at halos mapaiyak si John Estrada nang kausapin siya ng anak na panganay nila ni Janice de Belen, ang Kapuso actress na si Inah de Belen, na ready na siyang mag-asawa. Sa interview kay John para sa bago niyang GMA Afternoon Prime na Babawiin Ko Ang Lahat, natanong siya tungkol dito at totoo raw nagulat siya, pero hindi raw naman ngayon magpapakasal si Inah.

Kahit nga sa interview naman ni Inah kay Lhar Santiago sa 24 Oras, inamin lamang ni Inah na four years na silang mag-sweetheart ni Kapuso actor Jake Vargas at going strong ang kanilang relasyon. So, wala naman palang dapat ipag-alaala si John dahil priority pa rin nina Jake at Inah ang kanilang career.

“To be honest, of age na kami ni Jake talaga for stuff like that,” sabi ni Inah. “Napag-uusapan na namin but ang dami pa kasi naming gustong gawin.”

Regularly napapanood si Jake sa Pepito Manaloto at madalas ding mag-guest doon si Inah. Wala man silang regular seryeng ginagawa na magkasama ngayon, naggi-guest naman si Inah sa ibang shows ng GMA Network, at nasusundan sila ng mga fans nila sa kanilang vlog na ‘JaInah.’