Coco Martin at Julia Montes madalas makitang magkasama, kailan kaya aamin?

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni NITZ MIRALLES

MUKHANG nagiging sunud-sunod ang sightings kina Coco Martin at Julia Montes, kaya naman kilig na kilig ang fans ng dalawa. Waiting na lang sila na finally, aamin na ang dalawa sa kung anumang relasyon nila.

Una silang nakunan ng litrato na magkasama sa isang event at dahil patago ang kuha sa kanilang litrato, hindi rin malinaw ang kuha, pero makikitang silang dalawa ang nasa litrato. Wala ring binanggit kung saang event at kung kailan ang nasabing event.

Muling naispatan sina Coco at Julia na tila nagdya-jogging, pero naglalakad lang ang dalawa. Naka-jogging suit sila, may suot na cap, malayo ang kuha ng video, pero makikilala pa rin na sila ang nasa litrato at nasa video.

Hanggang kailan nga kaya maghihintay ang Coco-Julia shippers sa araw na aaminin ng dalawa na sila ay matagal nang couple?