Teacher, arestado sa droga

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

ni Liezle Basa Iñigo

CAGAYAN – Tinatayang aabot sa P68,000 halaga ng pinaghihinalaang iligal na droga ang nasamsam sa bahay ng isang guro sa Bgy. Flourishing sa Gonzaga sa naturang lalawigan, nitong Biyernes.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Rhia Tolentino, 38, at taga-naturang lugar.

Nakatakas naman ang kapatid nito na si Ronald Tolentino matapos na matunugan ang pagsalakay ng mga awtoridad.

Nasamsam kay Tolentino ang 26 na plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga at drug paraphernalias, 9 na bala ng Cal. 22, tatlong bala ng Cal. 9mm pistol at isa ring bal ang Cal. 45.

Sa rekord ng pulisya, si Tolentino na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ay sinasabing nasa Regional High Value Target ng mga awtoridad