Sikreto ni Zanjoe, bistado

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni MERCY LEJARDE

ISA na namang sikreto ang kailangang pagtakpan ni Anton (Zanjoe Marudo) kasunod ng aksidenteng pagkakabagok ng ulo ng kapatid niyang si Arnold (Javi Benitez) noong Miyerkules (Pebrero 17) sa umiigting na mga eksena sa Kapamilya teleseryeng Walang Hanggang Paalam.

Nangyari ang aksidente sa gitna ng pagtatalo ng magkapatid matapos mabisto ni Arnold si Anton na nakikipag-usap sa telepono tungkol sa iligal na organ trafficking business ng kanilang pamilya at matuklasang inampon lang siya para maging heart donor ni Anton.

Patong-patong na nga ang problema ni Anton dahil nakakalap na ng matibay na ebidensya si Emman (Paulo Avelino) laban sa kanya at kapatid na si Amelia (Cherry Pie Pichace) mula sa isinagawang raid sa sindikato.

Palapit naman nang palapit si Emman sa katotohanan tungkol sa anak nila ni Celine (Angelica Panganiban) dahil naman sa tulong mula sa kanyang kapatid na si Bernie (McCoy De Leon).

Panoorin ang Walang Hanggang Paalam sa A2Z channel sa free TV at sa digital TV boxes gaya ng ABS-CBN TVplus.