P12-M ‘damo’, hashish oil, nasabat

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

ni Zaldy Comanda

MT. PROVINCE – Arestado ang isang umano’y miyembro ng isang drug syndicate nang masabat sa kanya ng mga awtoridad ang P12 milyong halaga ng marijuana bricks at hashish oil sa Bauko, Mountain Province, nitong Biyernes.

Nasa kustodiya na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cordillera ang suspek na nakilalang si Rexton Bangang, taga-Sadanga, Mountain Province, ayon kay PDEA Regional chief Gil Castro.

Si Bangang ay naharang ng mga tauhan ng PDEA at Police Regional Office-Cordillera sa nasabing lugar kung saan nakumpiskahan ng 99 kilo ng marijuana at 60ml ng hashish oil sa loob ng minamanehong Toyota Tamarax FX.