Vice Ganda, never iiwan ang ABS-CBN

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NANGAKO si Vice Ganda na hinding-hindi niya iiwan ang ABS-CBN kahit wala itong franchise at binanggit nito ang kanyang mga dahilan kung bakit.

vice

“Nung panahon ng ALDub… feeling ko, wala nang nanonood ng Showtime. Parang buong Pilipinas, nakatutok sa Aldub; tapos, parang ang laking kasalanan ‘pag fan ka ng Showtime, ang laking kasalanan ‘pag nanonood ka ng Showtime.

“Ta’s ang baba-baba na ng ratings ng Showtime. ‘Tas ako, laban na laban pa rin ako pero dumating ako sa punto na habang lumalaban ako, tinanggap ko na, feeling ko, anytime soon, tatawagan ako ng management ta’s sasabihin, “We are cancelling the show.” Tanggap ko ‘yun. ‘Tapos, hindi nangyari. Hindi ginawa ng ABS-CBN [na tapusin ang Showtime]. Hindi ako nilaglag. Hindi nilaglag ‘yung show.

“Kaya sabi ko talaga, ‘yun ang pinanghahawakan ko eh. Magkamatayan na. Hindi ko iiwanan ‘tong ABS-CBN ngayon. Kasi nung nangyari ‘to sa buhay ko, hindi ako iniwanan ng ABS-CBN eh- lahat kami. Lahat kaming hosts, lahat kaming show. Isama na natin ‘yung director namin, hindi ‘yan iniwanan ng ABS nung mukha na kaming kawawa at halos patay na kami.

“Kaya ngayon na nangyayari ‘to sa ABS, hindi din kita iiwanan katulad nang hindi mo pang-iiwan sa akin noon.”

-NITZ MIRALLES