Tunay na relasyon nina Barbie at Kate, mabubunyag na

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Nostalgicang feeling ni Barbie Forteza ngayong muli nang mapapanood sa GMA Primetime ang “Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday.”

“Naalaala ko po kasi na this time last year, ini-launch na namin ang serye,” sabi ni Barbie. “Kaya excited ako na muli kong mapapanood ang show namin at maalaala ang mga good memories we had behind the scenes.”

“Ako po naman, dapat nilang abangan ang status ng friendship nina Caitlyn (Kate) at Ginalyn (Barbie),” sabi naman ni Kate. “Maayos pa kaya ni Cocoy ang pagkasira ng friendship nilang dalawa?”

Matatandaan na ang serye ay mga kwentong kaibigan, mag-ina, hiwalayan, selosan, pigil na pag-ibig, kulitan, bangayan dahil may konting comedy din sa mga dialogues, may iyakan din dahil sa mga nasirang pagkakaibigan at pagkaka-ibigan.

At ang isang tiyak na aabangan sa serye ay kung ano ang tunay na relasyon sa pagitan ng mag-best friend dati na sina Ginalyn at Caitlyn.

Huwag i-miss ang highly-anticipated recap ng “Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday” na dinidirek ni Mark Sicat dela Cruz, simula sa Lunes, January 18, pagkatapos ng “24 Oras.” Ang much-awaited all-new episodes ay magsisimulang mapanood sa Februay 8.

Nora V. Calderon