Sarah G, Anne Curtis at Vice Ganda, most followed sa FB

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MALAKAS ang influence ng social media sa Entertainment field. Sa huling tala may 15.06 million followers si Anne Curtis, 13.15 million para kay Sarah G. Hindi rin pahuhuli si Cristine Reyes at Vice Ganda. Sila ang most followed sa Facebook.

As actress at singer malakas ang staying power ni Sarah at hindi naging sagabal ang pagpapa-kasal kay Matteo Guidecelli. Bawat galaw ng Pop Diva ay sinusubaybayan. She is an icon figure sa maraming bagay tulad ng mga outfit na sinusuot sa concert at dance moves sa phenomenal Tala music Video. Even her baking skill ay hinangaan.

Ano mang hakbang ang gawin ni Sarah for 2021 ay walang dudang aabangan ng milyong followers who believe na the reign ng kanilang idol ay tatagal pa ng isang dekada.

-Remy Umerez