Parents ni Joem Bascon masayang nakita ang apo

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

KITA ang saya ng parents ni Joem Bascon nang makita at makarga ang kanilang apo, ang anak nina Joem at Meryll Soriano. Dinala nina Joem at Meryll ang kanilang baby sa bahay nina Joem to meet his parents and other members of his family.

joem at meryll

Simple lang ang caption ni Meryll sa photos at sabi lang, “Family is everything.” Tama na nga naman ang mga ngiti ng pamilya ni Joem na makita ang anak nito at i Meryll.

Naka-disable pa rin ang comment box ng Instagram ni Meryll, kaya walang makapag-comment sa happy occasion pa naman.

Saka, napapansin namin, hindi pa rin sinasabi nina Meryll ang name ng baby na baby boy yata based sa caption ni Meryll sa litrato ng baby at ng panganay niyang si Elijah dahil sabi niya,” brothers.”

Matatandaang nauna nang ipinakita ni Meryll ang anak nila ni Joem sa amang si Willie Revillame at dinalaw na rin ng tita ni Meryll na si ni Maricel Soriano.

-Nitz Miralles