Nova Villa, Papal Awardee

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

ANG aktres na si Nova Villa o si Novellita Gallegos, ang binigyan ngayon ni Santo Papa (Pope Francis) bilang isang “condecorado” or “Pro Ecclecia et Pontifice,” na ang ibig sabihin ay “para sa simbahan at sa Santo Papa,” na iginagawad sa mga laiko na may nagawa para sa simbahan at pananampalataya. Si Nova ay nominated ni Bishop Emeritus ng Novaliches Bishop Antonio Tobias.

nova villa

Si Nova ay naglilingkod sa San Lorenzo Ruiz Parish, Diocese of Novaliches bilang member ng Mother Butler Guild at tumutulong din sa iba pang gawain ng parish.

Iginawad kay Nova ang karangalan sa isang ceremony ng pagtatalaga bilang condecorado last January 14, ni Bishop Robert Gaa DD, kasama si Bishop Tobias at parish priest na si Rev. Fr. Nino Etulle at iba pang pari ng Vicariate ng San Isidro Labrador. Dumalo rin ang isa pang condecorado, si Ms. Ai Ai delas Alas.

-NORA V. CALDERON