Facebook account ng DSWD, na-hack?

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Pinaiimbestigahan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang insidente ng umano’y pagpasok ng kakaibang business-related post sa kanilang Facebook page nitong Sabado ng madaling araw.

Sa pahayag ng DSWD, nakikipag-ugnayan na sila sa kanilang Information and Communications Technology (ICT) Service upang mai-check ang lahat ng security features ng lahat ng ICT infrastructures nito upang matiyak na hindi makompromiso ang ibang networks o links.

Ayon sa ahensya, biglang na lamang lumitaw sa kanilang FB page ang post na, “Why are you doing business together, you idiot?”

Naisuplong na anila ang nasabing insidente sa pamunuan ng Facebook para maaksyunan.

-Charissa Atienza