Roque, kampeon sa Bullet Chess

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

PINAGHARIAN ni Rowell Roque ang 4th edition ng Warm Up ni IM Roca Online Bullet Chess Championships Huwebes ng gabi sa lichess platform.

Malakas ang naging panimula ng Valenzuela City bet Roque para mapanatili ang titulo sa Open event na nakalikom ng Arena 76 points.

“I didn’t look to defend my title, just to play my best,” sabi ni Roque.

“I knew that this was a tough tournament with all the players. I just tried to play my best and now I am really happy,” ani pa Roque.

May kabuuang 145 woodpushers ang lumahok sa one minute plus one second increment time control format na inorganisa ng Bayanihan Chess Club na suportado nina dating World Chess Olympiad member International Master Petronio Roca at Mam Elvira Roca sa pakikipagtulungan ng Skin Magical Dist4 ,CARSIGMA Cavite at ng Pers Solutions, Inc company.

Bida din si dating Asian Junior Champion International Master Ricardo de Guzman ng Antipolo City na nakopo ang solo second place na may 57 Arena points.

Namayagpag din sina Nelson Busa at National Master Gerardo Cabellon ng Bulacan na third at fourth placers na may tig 56 at 50 Arena points, ayon sa pagkakasunod.