PBA Special Awards Night sa TV5

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

MALALAMAN ang mga natatanging player sa 45th Season ng Philippine Basketball Association (PBA) sa pagdaraos ng virtual Special Awards Night sa Linggo.

Ipalalabas ng live sa TV 5 studio sa Mandaluyong City simula ika-6 ng gabi ay ang paraan ng liga upang kilalanin ang mga manlalarong nagningning sa kanilamg performance noong nakaraang dalawang buwang bubble na idinaos sa Clark, Pampanga.

Bilang pagpapatupad ng pinaiiral na mga health at safety protocols kaugnay ng COVID- 19 pandemic, ilan lamang sa mga miyembro ng PBA Board ang inaasahang nasa studio sa pamumuno ni Chairman Ricky Vargas at Commissioner Willie Marcial.

Magsisilbing pinakatampok na bahagi ng special awards night ang paggagawad ng Best Player of the Conference (BPC) honor.

Magkakatunggali para sa nasabing parangal sina Stanley Pringle ng Barangay Ginebra, Matthew Wright at Calvin Abueva ng Phoenix, Roger Pogoy at Ray Parks Jr..ng TNT at si CJ Perez mg Terrafirma.

Kabilang din sa igagawad na parangal ang Outstanding Rookie award kung saan magkakalaban sina Aaron Black ng Meralco, Arvin Tolentino ng Ginebra, Barkley Ebona ng Alaska, Aris Dionisio ng Magnolia at Roosevelt Adams ng Terrafirma.

Isa din sa karangalang mahigpit na pinag-aagawan ay ang Most Improved Player kung saan kandidato sina Justin Chua at Jason Perkins ng Phoenix, Prince Caperal ng Barangay Ginebra, Reynel Hugnatan ng Meralco, Raul Soyud ng NLEX at Javee Mocon ng Rain or Shine.

Nariyan din ang Samboy Lim Sportsmanship award kung saan mga kandidato sina Scottie Thompson ng Barangay Ginebra, Gabe Norwood ng Rain or Shine, Kevin Alas ng NLEX, CJ Perez ng Terrafirma at Calvin Abueva ng Phoenix.

-Marivic Awitan