Jennylyn at Dennis, malapit na bang ikasal?

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Natutuwa ang fans nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado dahil tuwing may time, nagba-bonding sila, at kasama ang kani-kanyang mga anak.

jennylyn at dennis

Si Dennis ay isinasama si Calix at di Jennylyn ay si Jazz. In this way ay nagiging close ang mga bata.

Nakita na sina Dennnis at Jennylyn with their respective kids na nagsu-swimming sa pool ng isang condo. Nasundan ‘yun ng kanilang pagwu-workout, nitong huli, nakita naman sila na nagba-biking. Looking forward ang fans sa future bonding session ng apat.

Ang paniwala ng fans nina Dennis at Jennylyn, inihahanda na nila sina Jazz at Calix sa time na magkakasama na sila sa iisang bahay. Dahil sanay nang makita at makasama ang isa’t isa, hindi na nga naman maninibago sa isa’t isa sina Jazz at Calix.

Samantala, naghahanda na si Dennis sa second wave ng lock-in taping ng cultural drama series ng GMA-7 na Legal Wives. Ang sabi, tatapusin muna ng production ang buong series bago ang airing para hindi sila pabalik-balik sa taping. Ang target date nila ng airing ay sa March na malapit na rin.

Hindi pa man umeere, mukhang nagiging controversial na ang Legal Wives dahil akala ng iba tungkol na naman sa kabitan at agawan ng asawa. May nag-akusa namang ginagamit ang mga Muslim para sa rating.

Ang pakiusap ng production at ng GMA-7, hintayin muna na umere at mapanood ang Legal Wives bago mag-comment at mam-bash.

-Nitz Miralles