Bagong fantasy series na kahuhumalingan

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Simula sa Lunes, Enero 18, 2021, humanda ng mangahas sa mahiwagang kuwento dala ng pinakabagong fantasy series sa GMA titled The Worst Witch.

T a m p o k d i t o a n g nakatutuwang adventures ng witch-in-training na si Mildred Hubble at ang bago niyang kaibigan nasi Maud Spellbody habang na sa loob ng Cackle’s Academy – isang paaralan para sa mga batang witch na nagnanais matuto ng iba’t-ibangklase ng magic.

Makakaharap ng dalawa ang masamang kakambal ni Miss Cackle na si Agatha at ang batang witch na si Enid, na tinaguriang isa sa worst witches sa Academy.

Mailigtas kaya nina Mildred at Maud ang paaralan mula sa mga masasamang balak ni Agatha? Abangan ito sa “The Worst Witch” sa GMA-7 simula ngayong Lunes, 8:25 AM

-MERCY LEJARDE