Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncy, nakakabusog daw?

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Maloko at nakakaaliw talaga kung mag-comment ang netizens kapag nagpo-post ang mga celebrities sa kani-kanilang social media accounts. Gaya na lang itong i-shinare recently ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa kanyang Instagram na photo na kasama ang kanyang dyowang foreigner na CEOng Beautiful Destinations at businessman na si Jeremy Jauncey habang ine-enjoy at nagre-relax sa water villas at private lagoon sa Joali Maldives.

pia at jeremy

Ani Pia, “Sunday vibes with my love @jeremyjauncey.”

Sa kanilang New Year getaway walang masipat na nagka-quaran-tiyan ang magsing-irog sa walastik nilang mga katawan. Sumasabay baga sa bonggang resort na bibihira lang ang nakaka-experience. Mapapa-wow ka na lang talaga.

Comment ng socialite at TV personality na si Divine Lee ng “Kanino bang bday? Bakit may hinanda ka?” Sundot niya uli, “Nagcancel nako ng Grab Food. Marami naman handa dito. Kakabusog.”

Good vibes ang mga sumunod na comments ng netizens ika nga nila nakakabusog nga daw ang nakikita nilang picture nila Pia at Jeremy.

Sabi pa ng isa, may pa fiesta raw si Pia. Hirit pa ng isa, ‘wag na raw kayo magluto ng lunch ha at nang makatipid dine na. Hanep!

Hirit naman ng transgender beauty queen na si Kevin Balot, “PIA! Nasa iyo na ang lahat!”

Kaya naman sumecond the motion na uli ang mga netizens, na may nagsabi pa na “Siya na nga po ang pinagpala sa lahat.”

May netizen naman na tila naiinip na kay Jeremy kaya ang tanong niya, “When are you going to propose? We are all waiting!” E kailan nga ba? Abang abang na lang tayo pasasaan bat malalaman din natin yan. Yun na!

-DANTE A. LAGANA