Parak, todas sa ambush

Filed under Balita, Probinsya Balita RSS RSS Feed

CABUYAO CITY, Laguna – Patay ang isang pulis nang pagbabarilin ng dalawang lalaking nakamotorsiklo habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Yulo Road, Barangay Pittland sa nasabing lungsod, kahapon ng umaga.

Dead on the spot ang biktimang si Staff Sergeant Christian Ramos, taga-Sitio Laguarta, Poblacion 1, Calaca, Batangas at nakatalaga sa Police Regional Mobile Force Batallion, sanhi ng mga tama ng bala iba’t ibang bahagi ng katawan, ayon sa pulisya.

Sa report ng pulisya, sakay ng motorsiklo ang biktimang patungong Bgy. Casile nang tambangan ng dalawang suspek na sakay din sa motorsiklo, dakong 9:40 ng umaga.

Tumakas ang mga suspek matapos ang krimen.

Narekober sa lugar ng krimen ang anim na basyo ng bal ang 9mm pistol at tatlong basyo para sa Cal.45 pistol.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaslang.

-Danny Estacio