Jong Madaliday, pinasalamatan ng Danish singer na si Maximillian

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Labis ang tuwa at hindi makapaniwala ang Kapuso singer at The Clash alumnus na si Jong Madaliday, na napansin siya ng Danish singer-songwriter na si Maximillian.

jong

Ang hit song kasi ng foreign singer na Beautiful Scars ay inawit ni Jong sa mga babaeng nakilala niya sa online chat website na Omegle para sa isang vlog. Komento ni Maximillian sa Facebook post ni Jong, “Thanks for singing my song.”

Makikita sa nasabing vlog na humanga rin sa magandang boses ni Jong ang random foreign girls na kanyang hinarana.

Sa ngayon, mayroon nang mahigit one million views ang nakakaaliw na vlog sa Facebook page ni Jong. Mapapanood din ito sa kanyang YouTube channel.

Marami tuloy fans ni Jong na nagtatanong kung nasa Manila ba si Jong or umuwi sa kanila sa Cotabato, at niri-request nila sa GMAMusic na i-guest lagi siya sa All-Out Sundays noontime show tuwing Linggo, 12:00 noon.

-NORA V CALDERON