How to be sexy like Andrea Torres?

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Muling binulabog ni Andrea Torres ang followers niya sa Instagram sa latest post niyang suot ang bra top tank at denim. Hindi na kailangan ang caption sa photos ni Andrea, dahil sapat na ang inilabas niyang dalawang litrato.

Puro paghanga sa kanyang kaseksihan ang mababasa at may nag-request pang mag-share si Andrea ng tips ng kanyang special diet at workout para ma-achieve rin nila ang kanyang kaseksihan na kinaiinggitan.

Sa palagay niyo, tama ba ang netizens sa mga comment nila na pagsisisihan ni Derek ang paghihiwalay nila ni Andrea dahil nga sa kaseksihan ng aktres ngayon?

Anyway, malapit nang mag-resume ang lock-in taping ni Andrea ng cultural drama series ng GMA-7 na Legal Wives. Gaganap siya rito bilang isa sa tatlong asawa ni Dennis Trillo at makakasama niya sina Bianca Umali at Alice Dixson.

-NITZ MIRALLES