Elisse, may dalawang movie ngayong 2021

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Mukhang maganda ang pasok ng 2021 para kay Elisse Joson.

elisse

Magbabalik pelikula ang aktres sa pamamagitan ng Izla, kung saan niya makakasama sina Beauty Gonzalez, Paolo Contis, Isabelle Daza, Archie Alemania, Aiko Climaco, at Analyn Barro. Directed by Bary Gonzales sa ilalim ng nagbabalik na Octo Arts katuwang ang Mavx Productions.

Bukod sa Izla may follow up movie rin si Elisse sa Mavx Productions kasama ang singer-comedian na si K Brosasna kinukunan ngayon sa bansang Denmark.

Huling napanood si Elisse sa iflix series na Beauty and the Boss at huling pelikula niya ang 2019 MMFF entry The Mall, The Merrier.

Ador V. Saluta