AJ Raval ‘di kinakausap ng ama dahil sa ginawang sexy scenes

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ipinagtapatni AJ Raval, anak ng dating action star na si Jeric Raval, na hindi aprubado ng kanyang ama ang pagpapaseksi niya sa kanyang launching movie na Paglaki Ko, Gusto Kong Maging #Pornstar.

jeric at aj

“To be honest po, never siyang naging supportive sa pagpapaseksi ko.Nasa edad na rin po ako. Meron na rin po akong sariling desisyon,” pagtatapat ni AJ sa virtual presscon ng pelikula nitong Miyerkules, January 13.

Sinabi ni Giselle Sanchez, host ng presscon, na “Anak ni Jeric” ang kahulugan ng screen name ng dalaga (Elizabeth Buensucezo in real life).

Pero mas kapani-paniwalang pinagsamang unang letra ng mga pangalan nina Allysa at Jeric ang pinagmulan ng showbiz name ng kanilang anak.

Inaasahan na ni AJ na magagalit si Jeric sa mga sexy scene niya sa Pornstar, kaya naramdaman ng entertainment press na tila may tampuhan ang mag-ama dahil sa mga sumunod na pahayag ng showbiz newcomer.

“Hindi [niya ako] kinakausap. Pinapabayaan niya lang din po ako.Ito pong movie, hindi pa po niya alam na ginawa ko.

“Nagseksi po, pero ine-expect ko na rin po ang reaksiyon niya na magagalit siya sa akin,” dagdag ni AJ.

-ADOR V. SALUTA