Abelgas, wagi sa ECC tourney

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

NAGKAMPEON si top seed International Master elect at Fide Master Roel Abelgas ng Dasmarinas City, Cavite sa katatapos na 23rd Edition ng Espana Chess Club Manila Bullet Swiss Arena na ginanap sa lichess platform.

ABELGAS

ABELGAS

Giniba niya si National Master engineer Robert Arellano sa twelve at final round para tumapos ng total 10.5 points at makopo ang titulo sa online chess event na hosted ni engineer Ernie Fetisan Faeldonia, president ng organizing Espana Chess Club Manila.

Si FM Abelgas na top player at coach ng Dasmarinas Chess Academy under the guidance ni Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga Jr. ay nakamit ang kanyang first crown sa nasabing chessfest. Nasilayan ang nasabing event via lichess. com na may time control 2 minutes & zero increments na tampok ang 92 all Filipino players.

Mga nilagpasan ni FM Abelgas sa final rankings ay sina Yves Christian Fiel  (10 pts.), National Master Elwin Retanal   (9.5 pts), Leonico Arden Abiad  (8.5 pts.) at National Master Julius Sinangote (8.5 pts.) na nag occupy ng next four places.