Tom Rodriguez magbabalik alindog

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

SERYOSO ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez sa kanyang balik alindog program matapos magka-quaran-tiyan. Ibig sabihin tumaba o nagkatiyan during quarantine. Kaya naman sa first day ng kanyang fitness goal ay balik boxing ang aktor.

tom

Sa Instagram ipinost ni Tom ang video ng first day kanyang boxing training kasama ng kanyang trainer. Ani Tom, “First day for everything…

“First workout of the new year…here’s to some consistency with my health goals…if one door closes, find another door…better yet, climb through the window.”

Wow! Magandang senyales ito kung ganoon. Aminado naman ang aktor na naggain siya last year ng timbang na kitang kita sa teleserye nilang Love of My Life ng GMA-7. Ofcourse dahil na rin sa napasarap siya ng kain during quarantine at sa mga nagdaang holiday season.

Sa Day 5 ng boxing training ni Tom nagpost uli ito ng video. Patunay na consistent ang aktor sa kanyang inaasam na katawan. Sey niya, “Still a long way to go from my goal, but happy to be along the way J hope you’re all able to keep up with your fitness goals for the year J especially to those like me who are starting from scratch again J remember, be kind to yourselves, you don’t have to reach your goals quickly, take it a day at a time…as long as you are making progress, no matter how small, it will all eventually add up J see you guys at the end!

Aber tingnan nga natin kung ano ang magiging outcome ng fitness goal ni Tom this 2021 lalot balitang may bago na naman daw itong gagawing soap. Abangan!

-Dante A. Lagana