Tatlong GMA drama series sabay-sabay nang eere

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

TATLONG drama series ng GMA Network ang sabay-sabay nang magbabalik sa ere simula sa Lunes, January 18.

Magsisimula na muling mapanood ang Magkaagaw nina Sheryl Cruz, Sunshine Dizon, Klea Pineda at Jeric Gonzales. Kapana-panabik na ang mga eksena nila dahil nasa climax na ang story nila nang magkaroon ng pandemic at nahinto silang mag-taping. Kaya sa pagbabalik-taping ng cast, sumabak sila sa matitinding eksena, pero panoorin muna natin ang recap nito simula sa Monday, pagkatapos ng Eat Bulaga.

Ibabalik na rin sa January 18, at mapapanood muna ang recap ng Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday nina Barbie Forteza, Kate Valdez,Migo Adecer at nina Snooky Serna, Dina Bonnevie at Jay Manalo. Kapana-panabik na rin ang mga eksena dahil ito na iyong malalaman na ang sekreto sa pagkatao nina Barbie at Kate. At simula naman sa February 8, mapapanood na ang pagsisimula ng mga fresh episodes ng serye.

Kasalukuyan nang napapanood ngayon ang recap ng drama series na Love of my Life nina Carla Abellana, Rhian Ramos, Mikael Daez at Ms. Coney Reyes, gabi-gabi pagkatapos ng Encantadia, pero sa January 18, magsisimula nang mapanood ang mga new episodes, kaya marami nang naghihintay kung magkakaroon daw ng twist ang story nina Adelle (Carla), Kelly (Rhian) at Nikolai (Mikael)?

-Nora V. Calderon