Reyes, naghari sa Baby Dos bullet chessfest

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

NAIKAMADA ni young chess wizard Chester Neil Reyes ng Rodriguez, Rizal ang crucial win sa end game para makopo ang championship sa Baby Almarie Jolene na tinampukang Baby Dos One Month Old Celebration Online Chess Tournament nitong Lunes sa lichess.org.

Matapos matalo kay Sherwin Tiu ng Mindoro ay nakabalik sa kontensiyon si Chester Neil matapos padapin sina National Master Jonathan Tan ng Davao City, International Master elect Michael “Jako” Concio Jr. ng Dasmarinas City, Cavite, Rafael Sim ng Tacloban City, Fide Master Alekhine “Bbking” Nouri ng Escalante City, Negros Occidental at nakatatandang kapatid na si Narquingel Reyes, ayon sa pagkakasunod.

Ito lahat ang kailangan ni Chester Neil para mapa sa kamay ang tiulo na may highest output 157 Arena points sa one minute play to finish free registration online bullet chess tournament na inorgaisa ng Bayanihan Chess Club na sinuportahan nina Canadian National Master at frontliner Zulfikar Sali, Team Owner ng Zamboanga Sultans, former NCFP director Ed Madrid, Team Owner ng Batch Rizal Towers at Jubail, Kingdom of Saudi Arabia based Jimmy Reyes.

Tumapos si Fide Master Alekhine Nouri sa second place honors na may 143 Arena points, na sumunod naman si third placer International Master elect Michael Concio Jr.na may 136 Arena points.