Fish kill sa Lake Sebu, 200MT ‘tilapia’ nasayang

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

KORONADAL CITY, South Cotabato –Nagsagawa ng mga hakbang ang mga lokal na awtoridad upang maibsan ang pinsala na dulot ng isang napakalaking fish kill na nakaapekto sa halos 200 metriko toneladang tilapia na dapat sana’y ani mula sa maraming mga fish cage sa tatlong mga barangay sa bayan ng Lake Sebu.

Sinabi ni Lake Sebu Mayor Floro Gandam na ang fish kill ay nakaapekto sa humigit-kumulang na 1000 tilapia fish cages sa Barangays Pobacion, Takunel at Macdulong, na sanhi ng pagbaba ng lebel ng oxygen ng mga lawa.

Apektado ng fish kill ang 200 metriko tonelada ng tilapia na tinatayang nagkakahalaga ng P20 milyon mula sa 1,000 fish cages na pagmamay-ari ng halos 250 na mga operator.

Sinabi ni Provincial Agriculturist Raul Teves na ang pagkamatay ng mga isda ay sanhi ng pagbawas ng antas ng oxygen ng lawa dahil sa patuloy na pag-ulan sa mga nakaraang linggo sa lugar.

Tiniyak din niya na ang tilapia na nagmumula sa Lake Sebu ay ligtas pa ring kainin

-JOSEPH JUBELAG