Ex-PBB housemate Jai 3 araw na-coma

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

SA pamamagitan ng vlog, ibinahagi ng Jai Agpangan, aktres at dating Pinoy Big Brother housemate, kung paano siya na-coma noong Bisperas ng Pasko.

jai

Sa isang five minute vlog, ibinahagi nito na tumagal nang tatlong araw kanyang coma.

“Actually grabe ‘yung nangyari sa akin. (December) 27 ako nag-wake up daw. Hindi ko alam na NGT (special tube that carries food and medicine to the stomach through the nose) lang ‘yung food ko. Tapos lumbar tap (medical procedure in which a needle is inserted into the spinal canal) ako, kasi parang akala nila meningitis, parang na-tetanus kasi ako, infected, sepsis, ang daming sabi sa akin ng doktor ko. Buti na lang mabait ang doctor namin at saka magaling,” pagbabahagi ni Jai.

Sa ngayon mas mabuti na, aniya, ang kanyang kalagayan at patuloy na nagpapagaling

-STEPHANIE BERNARDINO