Estacio, naghari sa Buto chess tilt

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

PINAGHARIAN ni journeyman Noel Jay “Super B” Estacio ang katatapos na 11th Al-Basher “Basty” Buto Birthday Celebration blitz chess tournament matapos talunin si Ruth De Asas sa final round na ginanap sa Goldland Chess Club, Village East, Cainta, Rizal nitong Sabado.

Ang San Dionisio, Iloilo native Estacio ay tumapos ng 6.5 points sa seven outings, sapat para kunin ang chess title sa event na suportado nina American Chess Coach Dave Fenton antJubail, Kingdom of Saudi Arabia based Jimmy Reyes kung saan ay punong abala si Mr. Bong Buto.

‘I’m so happy to have been part of such an incredible event,” sabi ni Estacio, reserve player sa City of General Trias, Cavite Spartans.

Tumapos si Arena Grandmaster Almario Marlon Bernardino Jr. sa second spot na may 6 points. Nasa third place naman si PH chess genius Al Basher “Basty” Buto na may 5 points.

Nagkamada sina Rohanisah Buto at Abdul Buto ng tig 4.0 points para magsalo sa fourth hanggang fifth places.

Ang mga nakapasok sa top 12 winners ay sina Alysah Buto (6th), Aaron De Asas (7th), Vermont Casas (8th), Mickaylah Buto (9th), Khalid Macaslang (10th), Herson Guanco (11th) at Ruth De Asas (12th).