7 bumbero, nagpositibo sa virus

Filed under Balita, Probinsya Balita RSS RSS Feed

TUGUEGARO CITY, Cagayan – Sampung indibidwal ang naitalang panibagong nahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), kabilang ang pitong bumbero ng nasabing lungsod, kamakailan.

Sa ulat ng Department of Health (DOH), angmga ito ay walang history ng paglalakbay at ilan sa mga ito ay nakaranas ng mga sintomas.

Naiulat na posibleng nahawa ang mga ito sa pasyenteng si “CV 5314” na kanila ring kasamahan.

Dalawa sa nasabing bilang ay pawang nagtatrabaho sa isang pribadong kumpanya sa Ilagan City, Isabela kung saan ang isa ay pasyenteng si “CV 5471” na anim na linggong buntis.

Habang ang isa pang kumpirmadong kaso na may kasaysayan ng paglalakbay sa Baggao ay nakaranas ng sintomas at napag alaman na nahawa sa pasyenteng si “CV 5178”

Kaugnay nito, mahigpit pa rin ang abiso ng City government sa publiko na manatili sa tahanan at iwasan ang paglabas kung hindi kinakailangan upang tuluyang maiwasan ang paglaganap pa ng virus sa lungsod.

-Liezle Basa Iñigo