Tyson-Jones duel; Robinson TKO sa Youtuber

Filed under Boxing Balita RSS RSS Feed

LOS ANGELES (AP) – Isang special na sparring lamang ang turing ng iba. Ngunit, ang naganap na laban sa pagitan nina dating World Champions Mike ‘The Iron’ Tyson at Roy Jones Jr. ay masasabing klasikong laban sa kasaysayan ng boxing.

Ngunit, marami ang nagtaas ng kilay sa kinalabasan ng 8-round fight.

Sa kabila ng dominasyon ni Tyson – nagpamalas ng porma at galaw na nagbalik gunita sa kanyang pagiging ‘undisputed’ champion at kinatatakutang fighter sa mundo – natapos ang laban sa draw.

“It’s not a battle of the ages, but a battle of the aged.” Tyson is 54 years old and Jones is 51, but the older man clearly dominated the fight,” pahayag ni ring announcer Mauro Ranallo.

“Tyson showed more power and speed than his younger, lighter, and taller opponent. Even at his advanced age, you could still see flashes of the fighter that was once the most feared human on the planet. He still had hand speed and technical ability that was too much for Jones, and appeared to be in much better condition,” aniya.

Ngunit, sa mata ng mga hurado — Christy Martin, Vinny Pazienza at Chad Dawson – na pawang mga boxing hall-of-Famer, patas ang naging sagupaan.

Umiskor si Martin ng 79-73 para kay Tyson, ngunit ibinigay ni Dawson ang 76-76 at nagwagi si Jones sa iskor ni Pazienza sa 80-76.

Sa compubox, lamang-lamang si Tyson sa napatamang suntok na 67 sa pinakawalang 193 laban kay Jones na may patam,ang 37 sa kabuuang binitiwan na 226.

Sa supporting bout, naitala ni Youtuber Jake Paul ang impresibong second round TKO laban kay dating NBA Dunk King Nate Robinson.

Maagang nakontrol ni Paul ang laban at nagawang mapabagsak si Robinson nang dalawang ulit sa first round. Napatumba niya uli ang NBA star sa kaagahan ng Round 2 bago tuluyang napabagsak ang karibal.