Presyo ng produktong petrolyo, itataas

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Asahan muli ng mga motorista ang napipintong malakihang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.

Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng P1.15 hanggang P1.20 ang presyo ng kada litro ng gasolina, P1.10-P1.15 sa presyo ng kerosene at P1.00-P1.10 naman sa diesel.

Ang nagbabadyang dagdag-presyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

Nitong Nobyembre 24, nagtaas ang ilang kumpanya ng langis ng P0.50 sa presyo ng diesel, P0.30 sa kerosene at wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina

-BELLA GAMOTEA