Sandra Seifert, happy sa love child with Cesar Montano

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

May pinost na litrato si Sandra Seifert sa kanyang Instagram page kung saan, makikita ang aktor na si Cesar Montano na kayakap at hinahalikan ang isang batang lalake. Ang caption lang ni Sandra sa litrato ay “Love actually,” wala siyang sinabing iba at walang kinumpirma.

Sandra Seifert

Sapat na ‘yun sa netizens para isiping anak nila ni Cesar ang batang lalake na may pangalang Coco. Nabalita kasing nagkarelasyon sina Cesar at Sandra at nabalita ring nagkaroon ng anak, wala nang nabalitaan mula noon hanggang mag-post nga si Sandra ng litrato nina Cesar at ni Coco.

Sabi ng mga comment, “Wow! Father and son…awesome pix!,” “may nagsabi naman ng “So it’s confirmed huh!” at may nag-comment pa ng “mas hawig nya mama nya” at may nag-comment ng “Pure love. I’m happy for you Coco, that smle is heart melting for sure for both, especially your momma.”

Hindi lang maiwasang may mga negative comment sa very positive post ni Sandra at sinabing siya pala ang rason nang paghihiwalay nina Cesar at Sunshine Cruz, siya raw ang “babae” ni Cesar. Siya rin daw ang babae sa nag-viral na video ni Cesar na habang nagsasalita, may hubad na babae na umeksena sa kanyang likuran.

Sagot ni Sandra, “Sorry to disappoint you but I’m not the woman in the viral video. Pls do your research so you can find out who she is. God bless.”

-NITZ MIRALLES