I’m not a prank mommy— Marjorie Barretto

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Isama na sa listahan ng mga celebrity vloggers ang pangalan ni Marjorie Barretto na kung tawagin ng kanyang mga anak ay Mommy Vlogger. Sa simula ay hindi ito naging madali but later on alam na ni Marjorie the things she would like to share. Since 24/7 silang magkakasama the children became her audience.

Magaling magluto si Marjorie at ang kanyang vlog ay tungkol sa paboritong pagkain ng mga anak niya. Hindi ba siya pina-prank? “They can never prank me because I’m not a prank mommy. My life is exciting enough without prank.”

Naging artista ng Viva si Marjorie at ngayon ay si Julia ang nakakontrata sa film studio. “They welcome her with open hearts at masaya ako para kay Julia.”

Wala ba siyang balak magbalik-pelikula?

“Sa sitwasyon ngayon na maraming

restrictions ay parang mahirap magtrabaho at kung sakali man. Parang hindi ko feel ang role as kontrabida.”

At dahil nalalapit na ang Pasko ang coming vlogs ni Marjorie… is everything about Christmas.

-REMY UMEREZ