Honeymoon, at last, para kina Megan at Mikael

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Isa dapat si Miss World 2013 Megan Young sa cast ng Legal Wives na magtatampok kina Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres at Bianca Umali, pero nag-back-out siya kaya napunta kay Andrea ang role.

mikael at megan

Mas pinili ni Megan na samahan at maging personal assistant sa sixteen days lock-in taping ng husband niyang si Mikael Daez sa Tagaytay City para sa GMA Telebabad series na Love of My Life kasama sina Carla Abellana, Rhian Ramos at Ms. Coney Reyes. Kaya nagpasalamat si Mikael sa gesture ng asawa, dahil mas nakapag-concentrate daw siya sa work niya na hindi mag-aalaala kung ano ang ihahanda niya sa susunod na eksena nila.

Nagpakasal sina Mikael at Megan noong Enero, ngunit dahil sa pagpasok ng Covid-19 pandemic, hindi natuloy ang kanilang honeymoon.

Kaya after ng lock-in taping ni Mikael last November 24, at since naroon na sila sa Tagaytay, itinuloy na nila ni Megan ang kanilang honeymoon sa isang beach.

Very soon, mapapanood na ang mga fresh episodes ng Love of My Life sa GMA-7.

Nora V. Calderon