Volleyball stars, umayuda sa biktima ni Ulysses

Filed under Volleyball Balita RSS RSS Feed

HINDI pa man ganap na nakakabalik matapos mahinto ang lahat ng mga sports activities dahil sa COVID-19, ang mga kinagigiliwan at iniidolong volleyball players ay patuloy sa paghahatid ng kasiyahan sa ating mga kababayan.

Sa pagkakataong ito, nagsanib puwersa sila upang magpaabot ng tulong sa mga naging biktima ng mga nagdaang malalakas na bagong Rolly at Ulysses.

Sa pamumuno ng organisasyon na Volleyball Community Gives Back, ilang mga players mula sa iba’t-ibang mga koponan at liga ang nagtulung-tulong para magbigay ayuda sa mga nasalanta ng kalamidad.

Ang mga natipong donasyon ng mga players at ng VCGB ay ipinadala sa mga lugar na labis na naapektuhan ng baddgyo gaya ng Marikina, Albay, Catanduanes, Tuguegarao at Rizal.

Ilan sa mga manlalarong nanguna para sa pangangalap ng donasyon at pamamahagi ng mga ito ay sina Alyssa Valdez, Bea de leon at Nicole Tiamzon.

-Marivic Awitan