Taga-Samar, nanalo ng P20-M sa lotto

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Isang lone bettor mula sa Guiuan, Eastern Samar ang naging instant milyonaryo matapos na mapanalunan ang mahigit sa P20 milyong jackpot sa Lotto draw nitong Sabado ng gabi.

Sa isang paabiso, sinabi ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma na ang nasabing mananaya ay nakapag-uwi ng kabuuang P20,398,839.60 jackpot matapos na mahulaan ang winning combination na 13-42-03-31-02-22 sa Regular Lotto 6/42 draw.

Kaugnay nito, nasa 25 bettors naman ang nakahula ng limang tamang numero kaya’t nagwagi ng ikalawang premyo na tig-P25,000.

Ayon sa PCSO, ang mga nanalo ay kinakailangan lamang na magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at iharap ang kanyang winning ticket at dalawang valid ID cards.

Mary Ann Santiago