Manila Chooks, kinulang sa sustansya

Filed under Features, Sports Balita RSS RSS Feed

DOHA – Nabigo ang Manila Chooks TM sa kampanya sa 2020 FIBA 3X3 Doha World Tour Masters matapos mawalis sa Pool A nitong Biyernes sa  Al Gharafa Sports Complex dito.

Matapos ang dikitang laro kontra world no. 1 Liman, 15-22 (7:38), nabigo sina Joshua Munzon, Alvin Pasaol, Troy Rike, at Santi Santillan na maigupo ang home team Lusail, 14-19.

Maitututring upset ang Pinoy dahil ang Lusail ay isang unranked team.

Sa pangunguna ng 6-foot-10 behemoth na si Souley Ndour, umiskor ng 10 puntos at pitong rebounds, hindi nakalusot ang Chooks cagers na nagdulot ng kalungkutan sa Pinoy crowd dito.

Bahagi rin ng Lusail ang 6-foot-7 Senegalese na si Ousseynou Mbow, 6-foot-6 Greek Kostas Vasileiadis, at 6-foot-5 Qatari Hamza Maher.

“No excuses,” pahayag ni Munzon, nanaguna sa Pinoy na may siyam na puntos laban sa Liman at 10 kontra Lusail.