GM Balinas Year Ender online chess

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

MAGKATULONG ang magkapatid na sina United States frontliner Dr. Joe Balinas at Engr. Antonio “Uncle Paps” Balinas sa pagiging punong abala sa pagtulak ng Grandmaster (GM) and Attorney (Atty.) Rosendo Carreon Balinas Jr. Free Registration Year Ender Online Chess Tournament na iinog sa Disyembre 26-27, 2020 sa lichess.org.

May guaranteed cash pot worth P75,000 ang nakataya sa  two   categories – kiddies for 13-Under plus ang Open division sa 2-day event na inorganisa ng Bayanihan Chess Club.

May total prize P25,000 ang nakataya sa kiddies 13-Under kung saan ang magkakampeon ay tatangap ng lion share P5,000 habang P50,000 ang nilatag sa Open section na maibubulsa naman ng magwawagi ang P8,000 plus PH Agila T-Shirt courtesy ni Mr. Fernan Donguines ng Hybreed Apparel Collections.

Naglatag din sina Dr. Joe at Engr. Antonio ng P11,000 cash prize para sa 2-day event, 3-division ( Open, 13 and above at Kiddies for U-12) tournament na tinampukang 3 years old birthday ni Baby Uno mula November 22 at 23, 2020.