Ben & Ben may appreciation tweets sa KathNiel

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NAGKAGULO sa social media ang fandom ng KathNiel at ng bandang Ben & Ben matapos ang series of tweets ng isa sa Ben & Ben’s frontmen na si Paolo Benjamin Guico. May higit 41,000 likes at higit 8,000 retweets ang post na ito ni Paolo.

daniel at ben & ben

Sa Twitter nagpost si Paolo ng: “KathNiel is a very solid couple. we stan” “they are the most real. hands down. pure, genuine, raw, good intentions and good vibes. Men” “walang deletan”

Dahil dito na-excite ang magkabilang fandom na tumugon gamit ang hashtag na #KathNielxBenAndBen.

Tweet ng user @KathNiel Fighters: “#KathNielxBenAndBen soon can’t wait” “YeheySmiling face with heart-shaped eyes! fave artist and fave music opm band in one project, I’m so excited,” post naman ng user @Madaamhs.

Nagpost din ang user @reinamariaaaa ng : “Never expected your collab!!! definitely waiting.”

Dahil sa mga kumakalat na espekulasyon at excitement mula sa fans, pinayuhan naman ni Paolo ang fans to stay “chill” and calm down.

“Chill lang tayo” tweet niya.

-NEIL PATRICK NEPOMUCENO