‘ASAP Natin ‘To’ tuloy ang world-class performances

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

BONGGANG-BONGGA ang ganda at good vibes nitong Linggo,November 22 dahil sa mga world-class performances na hatid ng mga favorite Kapamilya stars natin sa ASAP Natin ‘To, na mapapanood sa A2Z nang live sa digital TV boxes, tulad ng TVPlus.

Binigyang-pugay ang ganda ng Pilipina kasama ang mga reyna ng Miss Universe Philippines na sina Rabiya Mateo, Ysabella Ysmael, Pauline Amelinckx, at Billie Hakenson, sa inihandang special performance ng all-star ASAP Natin ‘To family.

Hindi naman nagpahuli ang Queen of the Dancefloor na si Kim Chiu at si Loisa Andalio para sa kanilang pasabog na dance performance sa ASAP stage.

Present din nitong Linggo ang mga naggwagwapuhang heartthrobs na sina Inigo Pascual, Sam Concepcion, at Kyle Echarri para mangharana, habang paiinitin naman ni Ronnie Alonte ang dance floor sa kanyang dance number.

Kasamang nagpakilig sina Jeremy Glinoga, Jameson Blake, Joao Constancia, Lance Carr, at Tan Roncal at meron ding isang sorpresang performance mula sa mga kinagigiliwang StarHunt Academy Trainees.

Trending din ang triple treat showdown nina Erik Santos, Inigo, Nyoy Volante, iDolls, Jona, Klarisse, at Kyla. May pa-KDrama kantahan din na hatid nina Divine Diva Zsa Zsa Padilla, Jed Madela, Nina, at Jason Dy.

Kasama ang pagpapakitang gilas naman ang mga panibagong singers na sina Sam Cruz, Anji Salvacion, KD Estrada, Diego Gutierrez, kasama ang the Voice Kids champion Lyca Gairanod.

Of course, pahuhuli ba naman ng Queen of Hugot na si Moira dela Torre sa bago niyang awitin na Paubaya.

In fairness, sino ba naman ang hindi makaka-miss sa mala-concert na performances sa ASAP tampok ang live world-class performances mula kina Angeline Quinto, Elha Nympha, Martin Nievera, Ogie Alcasid, Gary Valenciano, at Asia’s Songbird Regine Velasquez.

Lubos ang pasalamat ng mga suking viewers ng ASAP tuwing Linggo dahil napapanood ito hindi lang sa free tv kundi pati na sa digital TV box tulad ng TV Plus.

-ADOR V. SALUTA