Adventurous ang 2020 kay Jasmine

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NATANONG ng Cinema News kay Jasmine Curtis Smith kung paano niya i-de-describe 2020. At ang mabilis na sagot ng aktres, “adventurous”. Pinairal ni Jasmine ang self-love during the lockdown. Naging abala siya with Descentdants of the Sun at Alter Me para sa Netflix.

jasmine

“I have to look after myself dahil nasa Australia ang buong pamilya ko. Nawili ako sa video call the only way to talk to them. I missed them a lot. I exercise and eat healthy food.”

Naging adventurous si Jasmine sa pagpayag to do intimate scenes with leading man Enchong Dee sa Alter Me. “I don’t see myself sexy and I have to be one for my role. I have to grow bilang aktres.”

Sapul nang pasukin ang showbiz ay kinilala siya simply bilang kapatid ni Anne Curtis. Umaasa kami na with the change of image ay makamit ni Jasmine ang kasikatang tinatamasa ng kanyang kapatid. Pana-panahon lang yan ika nga. 2021 marahil ang tamang panahon para kay Jasmine.

-REMY UMEREZ