Willie nagpalipad ng helicopter pa-Catanduanes

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

GINAGAWA ni Wowowin host Willie Revillame ang lahat para makatulong sa mga kababayan natin sa Catanduanes na nasalanta ng Bagyong Rolly.

Kaya last Monday (November 16) at Tuesday (November 17), muling ipinasilip ni Willie ang kanyang ginawang relief efforts para sa mga taga-Catanduanes. Iyon daw ang tugon niya matapos mapanood ang panawagan ng isang lola para makatanggap ng tulong.

“Si nanay napanood ko sa 24 Oras. Sabi ko hindi naman pwedeng matutulog lang ako nang may nakikiusap na tulungan kayo,” wika ni Willie.

Kaya mismong si Willie ang nagpalipad ng kanyang helicopter nang siya ay bumiyahe patungong Catanduanes, kasama ang dalawa pang helicopters na dala ang kanyang mga donasyon tulad ng jackets, gamot, banig at kumot.

Personal na nakausap ni Willie ang governor ng Catanduanes, at nag-abot din siya ng financial assistance na P5-million para sa mga taga- Catanduanes.

At hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pagtulong ni Willie sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng kanyang Tutok to Win sa Wowowin.

-Nora V. Calderon