Rocco at Melissa, engaged na

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

ENGAGED na si Rocco Nacino kay Melissa Gohing at sa Instagram ni Rocco, pinost ang photos ng proposal niya sa fiancee at nakasulat ang “20/11/20 And she said yes. I love you Forever @gohingmelissa.”

rocco at melissa

Sunud-sunod ang mga nag-congratulate kay Rocco ng kanyang mga kaibigan na nagpahayag ng saya at tuwa na natagpuan na niya ang kanyang forever.

Isa sa nag-congratulate kay Rocco ay si Jasmine Curtis-Smith, ang kapareha niya sa Descendants of the Sun ng GMA-7. May mga kinikilig sa kanilang tambalan, pero sorry na lang, hanggang sa telebisyon lang ang kanilang relasyon. Engaged na si Rocco at si Jasmine naman ay may matagal nang boyfriend.

Maganda ang ginawa ni Rocco na tinapos muna ang pinapagawang bahay bago nag-propose kay Melissa dahil kahit ikasal sila next year, may bahay na siya at doon na niya iuuwi si Melissa.

Nitz Miralles