Rachel Ann Go, preggy na

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

SA kanyang vlog, na in-upload noong Friday, November 20, in-announced nina Rachel Ann Go at asawang si Martin Spies na they are pregnant.

rachel ann go

“Finally we are expecting! I also don’t need to hide my tummy anywhere. Lagi ko tinatago,” sabi ni Rachelle.

Ibinahagi ni Rachelle na noong August 10 nila nalamang buntis siya sa kanilang

first baby.

“We are so grateful for this new season, this new blessing. My gosh, I cannot believe it. I’m gonna be a mama, Mama Shin and Papa Martin,” patuloy ni Rachelle.

Sa vlog, ipinakita ang baby bump ni Rachel at ang sonogram ng kanilang baby. Alam na rin daw nila ang gender ng kanilang baby, pero isesekreto muna nila at next year na ire-reveal.

Sa ngayon, pinaghahandaan na ng mag-asawa ang pagdating ng kanilang baby at inaayos na ang nursey ni Baby Spies.

-Nitz Miralles