Gabby sa ‘Pinas magpapasko dahil kay ‘First Yaya’

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

SINCE 2008, sa California nagpapalipas ng Pasko si Gabby Concepcion at ang kanyang pamilya, pero after 12 years, dito naman sila sa Pasko. Bakit nagbago ang desisyon ni Gabby?

Magaganap na kasi ang lock-in taping nila ng first project na pagsasamahan nila ni Sanya Lopez for the first time, ang First Yaya.

“Marami na akong narinig na maganda tungkol sa kanya. Malaki ang fanbase niya and gusto kong makarating sa kanyang fans na I‘m really happy na makakasama ko ang idol ninyo,” sabi ni Gabby. “It’ll be a surprise. Hindi ko pa siya nakikita in person. Okay naman siya sa Zoom. Ang ganda naman ng energy na nakikita ko, so, I’m excited.

“Malapit na kasing magsimula ang lock-in taping namin para sa “First Yaya” na tatagal hanggang bago mag-Pasko. Kaya ito rin ang unang pagkakataon na magdiriwang kami ng Pasko sa Pilipinas.

“Ngayon na lamang ako muling magsi-celebrate ng Christmas dito kasi every year umaalis kami ng family ko. Pero ngayon first time naming mai-experience na dito lang sa bahay kami mag-Pasko since 2008. Kaya natutuwa ako dahil iba rin ang thrill lalo na sa mga anak ko, kasi something new ito sa kanila.”

Makakasama rin nina Gabby at Sanya sina Pancho Magno, Cassy Legaspi, at JD Domagoso, sa direksyon ni LA Madridejos.

Nora V. Calderon